MANILA, Philippines - Ikinumpara kahapon ni Philvocs Director Renato Solidum ang yumanig na 7.2 lindol sa Central Visayas partikular na sa Bohol at Cebu City na 32 beses na kasinglakas ng Hiroshima atomic bombs sa Japan noong World War II.
Sinabi ni Solidum, inaasahan na ang mas marami pang aftershocks o pagyanig ng lupa na epekto ng tumamang malakas na lindol.
Ang 7.2 magnitude ng lindol ay tumama sa Central Visayas dakong alas-8:12 ng umaga na ang epicenter ay nasa 2 kilometro ng timog silangan ng Carmen, Bohol kung saan nasa 192 na ang nairekord na aftershocks.
Inihayag nito na ang paglindol ay sanhi ng East Bohol fault na natukoy na may ilang taon na ang nakalilipas.
Hinggil naman sa posibleng lindol sa iba pang mga lugar sanhi ng paggalaw ng East Bohol fault, sinabi ni Solidum na posible ito lalo na sa Metro Manila dahil sa West Valley fault.
“Well there’s always the possibility. The preparedness scenario for us is 7.2 if you go to chuches in Metro Manila you will see in front of churches mga signs at lapida where they say this church was destroyed by earthquake this year and that yearâ€, ayon pa sa opisyal.