Comelec dinagsa sa unang araw ng filing ng COC
MANILA, Philippines - Dinagsa ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila kahapon sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa barangay elections sa Oktubre 28.
Mahaba na agad ang pila alas-4 pa lamang ng madaling araw mula sa mga nagnanais na tumakbo.
Ayon sa mga ito, mas mainam na maaga maghain ng kandidatura dahil inaasahang mas marami ang dadagsa sa mga susunod na araw hanggang Oktubre 17 na last day ng filing ng COC at wala ng extension.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na magsisimula ang pagtanggap nila ng COC sa mga tanggapan alas-8:00 ng umaga at magtatapos ng alas-5:00 ng hapon.
Iginiit naman nito na wala nang magiging extension ang paghahain ng COC lalo’t magsisimula na ang panahon ng kampanya sa Oktubre 18.
Una rito, tukoy na ng Comelec ang 6,904 na lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa na itinuturing na areas of concern.
Inutusan na ni PaÂngulong Aquino ang PNP at AFP na maging alerto kasabay ang paniniguro sa seguridad sa nalalapit na barangay elections.
Magugunitang tuwing barangay elections, marami ang naitatalang karahasan dahil magkakilala at magkakamag-anak ang nagkakatunggali.
- Latest