MANILA, Philippines - Nakiisa si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa panawagan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa panawagan nito na lumantad na rin ang whistleblowers upang patunayan na mayroon din Janet Lim Napoles sa Hudikatura.
Giit ni Belmonte, tama lamang si Sereno sa pagbubunyag na mayroon isang “Ma’am Arlene†na maimpluwensiya sa Hudikatura tulad ng pang-iimpluwensiya ni Napoles sa mga mambabatas.
Ang nasabing Ma’am Arlene na tinutukoy na ala Napoles sa Hudikatura ay namimigay din ng mamahaling bag na may lamang pera sa mga Mahistrado sa Court of Appeals (CA), isinasama din sila sa abroad at kanilang pamilya.
Nilalapitan din umano ito ng mga mahistrado para bigyan ang kanilang mga anak, magarbong birthday party at wedding gift.
Umaasa si Belmonte na lalantad din ang iba pang may kinalaman dito upang mabantayan ang mga miyembro ng Hudikatura matapos na rin ihayag ni Sereno sa speech nito sa Philippine Bar Association na nakaÂkatanggap ito ng mga reklamo na nag-aakusa sa umano’y mga korap na Hukom at sa mga bias nilang desisyon.