MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Senador Loren Legarda sa pamahalaan na paghandaan ang ‘worst case scenarioÂ’ sa suplay ng bigas na tulad ng nangyari sa bansa noong 1995.
Pinatutungkulan ni Legarda ang naganap na tagtuyot nang mga taong iyon na nagpaliit sa suplay ng bigas at ang presyo ng komersiyal na bigas ay umaabot sa P21 hanggang P28 kada kilo kaya humaba ang pila ng mamamayan sa bigas ng National Food Authority na ibinebenta sa halagang P10.25 kada kilo.
Kaugnay nito, ipinahiwatig ni Legarda na baka maÂulit ang krisis noong 1995 dahil ang pagtama ng isang bagyo mula ngayon ay magdadala ng krisis sa bigas.
Sinabi ni Legarda na noong 1995, dahil sa tagtuyot, hindi natugunan ang pangangailangan ng bansa sa aning hindi naman lumago dala ng tagtuyot noong 1994.
Paliwanag pa ni Legarda, noong 1995, naging dagok ang tagtuyot sa problema ng bansa sa bigas. Ngayon, maisasawalang-halaga ang isang buong tag-ani dahil lamang sa pananalasa ng nag-iisang bagyo na laging may kaakibat na pagbaha.
“AlalaÂhanin natin nang tumama ang bagyong Juan noong 2010, kalahating milyong metriko toneladang bigas ang ipinagkait sa atin ng kalamidad na iyon,†sabi ng senadora.

“Importasyon ng 300,000 MT na bigas ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) samanÂtalang ang sabi naman ng NFA ay 700,000 MT ang dapat na angkatin. Mas pinili ng gobyerno ang DA recommendation kaya nagdulot ito ng labis na kakulangan sa bigas, hindi abot-kayang presyo nito at pinagpilahan ng napakahaba ang mas murang NFA rice.
Dalawang ahensya rin ang nagbigay ng magkasaÂlungat na rekomendasyon hinggil sa pag-angkat upang tugunan ang pangangailangan. Ang National Economic and Development Authority (NEDA) na nagÂbiÂgay-payo sa pag-angkat ng kalahating milyong meÂtriko toneladang bigas upang pababain ang presyo. Ang isa nama’y ang DA na nagsasabing sapat ang imbentaryo.
Dapat anyang pagdesisyunan ng ating gobyerno kung alin sa dalawang rekomendasyon ang makatuwiran sa gitna ng mataas na presyo ng bigas at ang posibilidad na mapalala ng bagyo ang suplay nito.