MANILA, Philippines - Ang Kabikulan, Kabisayaan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang kanluran hanggang timog-kanluran ang iiral sa buong kapuluan at ang mga baybaying-dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang araw ay sisikat dakong 5:46 ng umaga at lulubog dakong 5:40 ng hapon.