MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon si Pangulong Aquino patungong Bali, Indonesia upang dumalo sa ika-21 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) LeaÂders’ Summit.
Dakong alas-8 ng umaga nang umalis ang PaÂngulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 lulan ng PAL flight PR-001 patungong Bali.
Sa kanyang departure message, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang kanyang presensya at pagdalo sa APEC summit upang samantalahin ang pagkakataon na manghimok ng mga lider ng iba’t ibang bansa at mga mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas bilang isang angkop na lugar sa negosyo na naglalayong mapalago ang ekonomiya ng bansa.
“Taas-noo nating ibabahagi sa kanila ang positibong transpormasyon sa bansa, at ang tumataas nating kakayahan na makipagtulungan sa iba’t ibang larangan: sa usapin man ng climate change at disaster management, maritime security at sa pagpapaigting ng free trade agreement sa mga karatig-bayan sa pamamagitan ng Regional Comprehensive Economic Partnership,†anang Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na bagaman nasa malayong biyahe man siya, laging bitbit nito ang interes ng mas nakararami na kanyang prayoridad.
Naging advance party ng Pangulo sa Bali, Indonesia sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Communications Secretary Ricky Carandang.
Mananatili ang Pangulo sa Indonesia hanggang Oktubre 8 at didiretso na siya sa Brunei Darussalam upang dumalo sa ika-23 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Oktubre 9 at 10.
Nabatid na umaabot sa P14.3 milyon ang magiging gastos ng pamahalaan sa dalawang trip ng Pangulo sa Indonesia at Brunei.
Babalik umano ang Pangulo sa bansa sa Oktubre 10.