MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y maÂlawakang vote buying, diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang isang alkalde sa lalawigan ng Bulacan sa nakalipas na May 2013 midterm election.
Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, dinisqualify ng Comelec 1st division si Norzagaray Mayor Alfredo Germar matapos ang botohan.
Binigyan diin ni Tagle na maaari pang iapela ni Germar ang desisyon ng Comelec 1st division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc.