^

Bansa

Albay, muling napili para sa civic action ng Phiblex 2013

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines – Muling pinili ang Albay para sa “humanitarian and civic action mission” ng Philippine-US Amphibious Landing Exercises (Phiblex 13). Layunin ng misyon na kumpunihin ang mga paaralang sinira ng bagyo at mabigyan ng serbisyong medical ang mahihirap sa mga barangay. May mga doctor, dentista, nars at gamut ang misyon.

Tatagal ang Phiblex 2013 misyon dito hanggang Oktubre 5. Ito na ang pang-apat ng naturang misyon sa Albay. Ang tatlong nakaraan ay ang dalaw ng USS Peleliu noong 2007, RP-US Balikatan noong 2009 at US Pacific Angel noong 2010.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang pagkakapili sa Albay ay bilang pagkilala din sa mabisa nitong “disaster risk and reduction management (DRRM) and climate change adaptation (CCA) initiatives,” na siya ring dahilan kung bakit ginawa ito “global model” ng United Nations sa naturang mga larangan.

Ang Phiblex humanitarian mission, ayon kay Salceda, ay malaki ang naitutulong sa pagpapalago ng magkatugmang sa pagitan ng militar ng Pilipinas at US, pagkilos at mahusay nilang kooperasyon lalo na sa panahon ng pananalanta ng kalikasan.

Ang Albay ay malimit bugbugin ng mga bagyo kaya marami itong mahusay na karanasan sa pagtugon sa mga pamiminsala at sa DRRM at CCA.

ALBAY

ALBAY GOV

AMPHIBIOUS LANDING EXERCISES

ANG ALBAY

ANG PHIBLEX

JOEY SALCEDA

PACIFIC ANGEL

PHIBLEX

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with