MANILA, Philippines - Inamin ni House Speaker Feliciano Belmonte na nahirapan sila na maipasa sa ikalawang pagbasa ang P2.268 Trillion General Appropriations Act (GAA) para sa 2014.
Giit ni Belmonte, hinÂdi naging madali sa kanila ang dalawang linggong deliberasyon para maaprubahan ang pambansang pondo dahil na rin sa mga isyung pinagdaanan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang paggisa ng mga kritiko ng budget.
Subalit sa kabilang banda ay nagampanan naman umano ng Kongreso ang kapangyarihan nito sa paghimay ng mabuti sa budget tulad na lamang sa ginawang desisyon na tanggalin ang PDAF ng mga kongresista at ilagay sa mga kaukulang ahensya na siyang magpapatupad na ng proyekto.
Sinabi naman ni Appropriations Chairman Isidro Ungab na magsusumite pa lamang ang ibang mambabatas ng kanilang mga hard proÂjects partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dagdag pa dito ni Belmonte, nagagalak siya sa buong kooperasyon na ibinigay ng mga kalihim ng mga ahensya, consÂtitutional offices at mga kawani na nagbigay ng inputs sa buong proseso ng budget.
Ang budget ay inaasahan na maaprubahan naman sa ikatlong pagbasa sa pagbabalik ng sesyon sa Oktubre 14, 2013.