2013 Quezon City Film Fest

MANILA, Philippines - Opisyal na inilunsad ng ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC) sa pangunguna nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang ‘2013 Quezon City Film Festival’  na tinaguriang  QCinema.

Ang naturang festival ay pasisimulan sa Trinoma sa Oktubre 3, 4 at 5 ay magpapalabas ng tatlong independent films  na inawardan ng QCFDC sa kanilang mandato na mapaunlad at mai-promote ang art at craft ng filmmaking sa mga residente sa lungsod.

Kabilang dito ang “Lukas Nino ni John Torres, “Hello World” ni Joel Ferrer at Gaydar ni Alvin Yapan na siyang ipe-premiere ng QCinema, bukod pa ang ibang film buhat sa New Breed category ng Cinemalaya.

Inihayag naman nina Vice Mayor Belmonte at Councilor Pinggoy Lagumbay at iba pang miyembro ng QCFDC na ginagawa nila ang lahat para maipanood ito sa wider public kasabay nang pagsasabing posible  pa itong ma-expand sa susunod na taon.

Sa mga interisado para maka-avail ng libreng tiket sa screenings ay maaaring tumawag sa QCFDC sa 444-7272 loc. 8208.

 

Show comments