MANILA, Philippines - Iginiit ng isang samahang pangkomunidad sa Parañaque na tumutulong sa mga kabataan na susulat sila kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez at sa City Council upang ipabusisi ang prosesong isinasagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) ng lungsod sa kontrata sa basura.
Batay sa mga nalathalang ulat, Setyembre 24 ang “deadline for submission of bids†ng lungsod para sa “waste management service contractor†kung saan tanging Leonel Waste Management lamang ang umano’y nag-iisang kwalipikadong mag-submit ng bid sa pamahalaang lokal.
“Kung ‘di iwawasto ang proseso, parang give-away na lang ang P100-milyong kontrata sa basura, dahil kataka-takang wala man lang ito ‘ni isang kalaban sa bidding,†ani Jerry Marcelo, chairman ng Sunday Club sa Parañaque.
Nilinaw ni Marcelo na ang tanging layunin nila sa ihahaing apila ay tiyaking ‘di masasayang ang buwis na binabayad ng mga taga-Parañaque kung “magiÂging patas, bukas at tama ang proseso sa pagpili ng kontratista.
“Gusto naming matiyak na ‘di mapagsasamantalahan ang kaban ng bayan at sapat ang serbisyong makukuha ng publiko,†diin niya.