14th month pay sa gov’t, private employees isinulong
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Sen. Tito Sotto na mabigyan ng 14th month pay ang mga government at non-government employees upang madagdagan ang bonus na tinatanggap ng mga manggagawa taun-taon.
Sa Senate bill na inihain ni Sen. Sotto nais nitong ibigay ang 14th month pay bago sumapit ang Disyembre 14 base na rin sa mapapagkaÂsunduan ng employer at employees.
Ang “minimum amount†para sa 14th month pay ay hindi dapat bababa sa isang buwang sahod na basic pay na dapat matanggap ng empleyado sa isang calendar year.
Sabi ni Sotto, dapat lamang mabigyan ng 14th month ang nasa public at private sectors lalo pa’t napakaliit ng itinaas na sahod ng mga manggagawa na umabot lamang sa P10 sa National Capital Region.
Kalimitan umanong nauubos agad ang 13th month pay dahil sa dami ng gastusin tuwing Kapaskuhan kaya dapat lamang magkaroon ng karagdagang bonus ang mga empleyado.
- Latest