^

Bansa

‘Pork’ case ‘wag patagalin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Justice delayed is no Justice at all”.

Ito ang paalala ni House Minority Leader Ronaldo Zamora kay Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos nitong ihayag na posibleng abutin pa ng isang taon bago masampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang mga sangkot sa pork barrel scam.

Giit ni Zamora, nakakagulat umano ang pahayag ni Morales dahil natapos na ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DOJ) at ang trabaho lamang ng Ombudsman ay i-validate ang findings nito.

Giit pa ni Zamora, hindi naman kailangang basahin pa ng Ombudsman ang isang milyong pahinang ebidensya na isinumite ng DOJ para matapos ang validation.

Para kay 1 Banat and Ahapo Rep. Silvestre Bello na dati rin Justice Secretary, probable cause na lamang ang tutukuyin ng Ombudsman kaya imposibleng abutin ito ng isang taon.

Umaasa ang minority bloc na ang matagal na target ni Morales para makapagsampa ng kaso sa Sandiganbayan ay hindi naglalayong palamigin lamang ang isyu sa pork barrel scam.

BANAT AND AHAPO REP

DEPARTMENT OF JUSTICE

GIIT

HOUSE MINORITY LEADER RONALDO ZAMORA

JUSTICE SECRETARY

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

SANDIGANBAYAN

ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with