Destab plot vs PNoy: Junior officers nag-aalburoto?

MANILA, Philippines - Hindi nababahala ang Malacañang sa report na may panibagong des­tabilization plot laban kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin La­cierda, wala silang report na natanggap tungkol sa pag-aalburoto ng mga junior officers na bumuo ng grupong Reformed Officers Union mula sa iba’t ibang unit ng AFP at PNP dahil dismayado sa pagpapatakbo ng Pangulo sa bansa.

Sinabi ni Lacierda, hindi sila nangangamba sa paglutang ng report dahil tinutugunan naman ng gobyerno ang hinaing ng kasundaluhan at mga pulis.

Batid aniya ng Pa­ngulo ang concern ng mga uniformed personnel kabilang na ang pabahay at mga kagamitan at hindi naman sila pinababa­yaan ng gobyerno.

Show comments