MANILA, Philippines - Nais ni Las Piñas Rep. Mark Villar na magkaroon ng 1 bilyong Special Assistance Fund para sa “distressed†OFWs bilang karagdagang proteksyon at tulong sa mga dokumentado at hindi dokumentadong OFWs.
“Dumarami nang dumarami ang bilang ng distressed OFWs,†ani Villar sa paghahain ng House Bill No. 2820.
Ang 30 porsiyento ng kabuuang pondo ay ilalaan upang suportahan ang programang pangkabuhayang pagsasanay o ang muling pagsasanay ng mga OFW na umuwi sa bansa.
Ang matitirang pondo ay gagamitin para sa mga sumusunod: pagpapabalik sa bansa sa OFWs, gastusing pangmedikal, pampa-ospital, pambili ng gamot; pambayad sa migration fees sa overstaying Filipinos; tulong panglegal, pambayad sa “blood money†sa sandaÂling kailanganin ito at ang iba pang pangangailangan.
Iba’t ibang suliranin ang nasasagupa ng ating OFW gaya ng pangmamaltrato at mga isyung may kinalaman sa kanilang trabaho o kung anumang kalagayang hindi nila kontrolado gaya ng giyera, mga natural na kalamidad at mga kaso ng emergency.
Sanhi nito, iginiit ng kongresista na kailangang laging nakahanda ang pamahalaan para tulungan ang mga ito.
Ang kasalukuyang ‘civil unrest’ sa mga bansa sa Middle East ay isang maliwanag na dahilan bakit kailangan natin ang ‘standby’ na pondo para agarang matugunan ang pangangailangan ng ating OFWs, lalo na yaong mga pinababalik sa bansa o kusang loob na umuuwi, sabi pa ni Villar.