4-libo dumalo sa ‘pork’ rally
MANILA, Philippines - Tinatayang umabot lamang sa 4,000 ang dumalo sa idinaos na ‘People’s March and Youth Concert’ laban sa pork barrel kahapon sa Luneta Park, ayon sa pagtaya ng National Parks and Development Committee (NPDC).
Gayunman, sinabi ni NPDC spokesperson Kenneth Montegrande: â€kakalog-kalog sila ngaÂyon, di kagaya nung una, kasi kahit yung mga estudyante nagkakaniya-kaniyang mag-uwian kaya hindi mo makitang lumalaki ang crowd.
Hindi umano tulad ng unang idinaos na rally noong Agosto 26 na “Million People March†dahil umabot ito sa 75,000.
Nasa kalahati ng dumalo ay nagmula sa Letran College, Assumption College, University of the Philiipines, Polytechnic University of the Philippines at San Beda College.
Kaniya-kanya namang kinatawan sa pagdarasal ang iba’t ibang religious groups nang magsimula ang programa at bago pa tumuntong ang alas 6:00 ng hapon ay sinimulan naman ang inihandang “Rock and Rage Against Pork†concert.
Iginigiit naman ng grupong Gabriella na nasa 10-libo ang dumalo dahil mayroon silang attendance list.
Nagsidalo rin ang mga personalidad na sina Pastor Boy Saycon, Jun Lozada at Juana Change.
Samantala dalawa pang katulad na rally ang plano umanong isagawa sa Setyembre 21 at Disyembre 6, 2013.
- Latest