MANILA, Philippines - Umapela kay Pangulong Aquino si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na tuldukan na ang giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at bandidong Moro National Liberation Front (MNLF).
Kahapon ay pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sina Pangulong Aquino at Chairman Nur Misuari ng MNLF na mag-usap para ayusin ang hindi pagkakaunawaan.
Ayon kay Bagaforo, nakikiusap siya kay Misuari na kusang paalisin ang kanyang tropa sa lungsod habang dapat naman umanong dinggin ni Aquino ang hinaing ng mga rebelde.
Apela naman ni Basilan Bishop Martin Jumoad sa magkabilang panig, maging bukas sa dayalogo lalo’t hindi solusyon ang baril para sa hinahangad na kapayapaan.
Panawagan pa nina Surigao del Sur Bishop AntoÂnieto Cabajug at Episcopal Commission on Canon Law Chairman Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso sa MNLF, pakawalan na ang mga bihag at huwag idamay sa hidwaan sa pamahalaan.