MANILA, Philippines - Itinanggi ni MNLF founding chairman Nur Misuari na utos niya ang paglusob sa Zamboanga City at iginiit na wala siyang alam sa ginawang aksyon ng kanyang mga followers.
Sinabi ni Zamboanga City Mayor Isabelle CliÂmaco-Salazar na naka usap niya si Misuari kamaÂkalawa ng gabi at itinanggi na may basbas niya ang ginawang pag-atake ng kanyang limang commanÂder sa lungsod.
Maging si Datu Muslimin Sema na chairman ng MNLF sa Cotobato City ay nagsabing mali ang ginawang paglusob sa Zamboanga City.
Aniya, kinikilala nila si Misuari bilang lider ng MNF pero hindi sila nakikiisa sa pinaglalaban nito ng magdeklara ng indepence noong Agosto 12.
Inakusahan naman ng spokesman ng MNLF na si Atty. Emmanuel FontaÂnilla na ang gobyerno ang gumawa ng gulo sa Zamboanga city dahil ang layunin lamang ng mga MNLF ay magsagawa ng mapayapang martsa.
Wika pa ni Atty. Fontanilla, nais lamang ilihis ng gobyerno ang atensyon ng publiko mula sa mainit na diskusyon ukol sa pork barrel.
“Niloloko lang ng gobÂyerno ‘yung mga taong ito. Itong bagay na walang problema, nilagyan ng problema para mawala ‘yung Napoles at mawala ‘yung pork barrel scandal,†wika pa ni Fontanilla sa isang radio interview.
Gayunman, duda naman ang mga opisyal ng militar sa pahayag na ito ni Misuari na taktika lamang umano para makalusot sa pagtugis ng batas.
Samantala, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Aquino ang mga miyembro ng MNLF na ibaba ang kanilang armas o harapin nila ang military action ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ay may hawak pa umanong 180 bihag ang MNLF partikular sa Sta. Barbara at Sta. Catalina. (Rudy Andal/Joy Cantos)