Litrato ni PNoy at Napoles inilabas

MANILA, Philippines - Boluntaryong inila­bas na ng Malacañang ang litrato na kasama ni Pa­ngulong Aquino ang mag-asawang Janet Lim-Napoles at Jimmy Napoles sa isang okasyon sa Cebu.

Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, kusa na nilang inilabas ang larawan na kasama ng Pangulo ang mga Napoles sa isang litrato upang unahan na ang kan­yang mga kritiko na nagbabalak idawit ang Pangulo sa pork barrel scam.

Ang larawan ay kuha sa national thanks­giving mass ni San Pedro Ca­lungsod noong 2011 sa Cebu City at marami ang nagpakuha ng larawan sa Pangulo na pumila tulad ng naunang lumabas na larawan ni Jeane Napoles na anak ng tinuturong pork barrel scam mastermind.

Hindi naman daw pi­nansin ng Pangulo ang kumalat na larawan sa internet na kasama nito ang anak ng umano’y “utak” ng pork barrel scam.

Wala naman daw silang itinatago at walang ikinakatakot sa mga lara­ wan para madiin ang Pa­ngulo sa iskandalo.

“He doesn’t know them personally. He still didn’t know them perso­nally. I will release other photos from the event this afternoon as I promised to you yesterday. But I’ve shown some of those photos and it’s really just a question of her going and asking for the picture. He didn’t even know who she was,” paliwanag pa ni Sec. Carandang.

 

Show comments