Ulat Panahon

MANILA, Philippines - Ang Kabikulan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kala­ngitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Palawan, Kabisayaan at Mindanao at mula naman sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Ang araw ay sisikat 5:44 ng umaga at lulubog  6:00 ng gabi.

Show comments