‘Edsa Tayo’ mapayapa- NCRPO
MANILA, Philippines - Hindi pa umano uÂmabot ng 1,000 ang mga taong nakisali sa ginanap na EDSA Tayo prayer rally sa EDSA Shrine sa Mandaluyong City kahapon.
Ito ang naging pagtataya ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa naganap na kilos-protesta kontra sa “Pork Barrel†na pinangunahan ni Junep Ocampo at iba pang grupo. Ayon sa NCRPO, nasa 850 katao lamang ang bilang nila sa mga dumalo ngunit tantiya naman ng mga organizer ay higit sa 2,000.
“Generally peaceful†naman ang naging pagtataya ng NCRPO sa pagtitipon makaraang magpakalat ng 500 pulis sa lugar upang tumiyak sa seguridad ng mga dadalo.
Dakong alas-2:45 ng hapon, isang grupo ng mga demonstrador buhat sa grupong PISTON ang nagmartsa sa kanto ng EDSA at Ortigas Avenue at nagtangkang magsagawa ng demonstrasyon. Agad namang sinalubong ito ng mga pulis kung saan nagkaroon ng komosyon hanggang sa mabuwag ang mga raliyista.
Matapos ang prayer rally, nagtungo naman ang ilang mga partisipante sa People Power Monument para sa “lecture†ni Winnie Monsod ukol sa Pork Barrel. NaÂging normal naman umano ang daloy ng trapiko sa lugar.
Samantala, naging maayos at mapayapa umano ang ipinatupad na seguridad ng Quezon City Police District (QCPD) sa lansangan, partikular sa daloy ng trapiko at estratehikong lokasyon malapit sa pinagdausan ng prayer rally sa Edsa Shrine.
Ito ang sinabi ni QCPD director Chief Supt. RiÂchard Albano, matapos ang naging matagumpay na pagbabantay sa mga motoristang maiipit sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa.
Ayon kay Albano, wala namang naging problema sa kanilang hanay, dahil matagal na nilang ikinalat ang impormasyon hinggil sa aktibidad kung kaya napaghandaan na ito ng mga motorista kung kaya naging maayos.
Ayon pa kay Albano, alas-6 ng umaga ay nakakalat na ang may 500 nilang tropa sa mga strategic location sa kahabaan ng EDSA, para mapanatili ang maayos na daloy ng sasakyan at maging mapayapa ang pagdarausan ng prayer rally na tinaguriang “Edsa Tayo.â€
- Latest