MANILA, Philippines - Hindi raw kaagad-agad maaring ikulong ang tatlong senador na napaulat na kakasuhan ng plunder dahil sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel fund scam.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, bagaman at non-bailable o walang piyansa ang kasong plunder, kinakailaÂngan pa ring suriin ng Ombudsmans kung may “probable cause†ang kaso para maisampa sa Sandiganbayan pero hindi umano agad-agad na ikukulong ang tatlong senador na kinabibilaÂngan nina Senate MinoÂrity Leader Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong†Revilla Jr.
Katulad umano ng mga ordinaryong krimen kinakailangan munang tingnan kung may malaÂkas na ebidensiya at saka pa lamang maaÂaring magsampa ng kaukulang kaso.
Kung makikita umano ng malakas ang ebidensiya ay saka pa lamang magpapalabas ng warrant of arrest na walang bail.
Sinabi rin ni Drilon na hindi awtomatikong matatanggal bilang mga miyembro ng Kongreso ang mga mambabatas na sasampahan ng kasong plunder.
Tanging ang Kongreso lamang at hindi ang korte ang puwedeng magsuspinde sa mga miyembro ng Lehislatura.
Maari pa rin daw magtrabaho bilang mga miÂyembro ng Kongreso ang sinumang mambabatas na masasampahan ng kaso hangga’t hindi sila nasesentensiyahan.