MANILA, Philippines - Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipagpaliban muna ang Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.
Sinabi nina Dinagat island Rep Arlene “Kaka†Bagao at Kabataan partyÂlist Rep. Terry Ridon, wÂalang napagkasunduan kung kailan muli idaraos ang SK elections subalit ang suspensyon nito ay hanggang sa Mayo 2016.
Sa ginanap na botohan para sa postponement ng SK elections, 11 miyembro ng komite ang bumoto pabor habang isa ang tumutol.
Napagkasunduan din na walang hold over capacity ang mga kasalukuyang SK officials kayat nangangahulugan ito na pagkatapos ng kanilang termino ay hindi sila mananatili sa posisyon.
Sa Senado ay pumasa na rin sa ikalawang pagbasa ang panukalang ipagpaliban ang SK elections na nakatakda sanang gaÂwin sa Oktubre kasabay ng Barangay Elections.
Isinusulong ni Sen. Ferdinand “Bongbong†MarÂcos Jr. ang postponement upang magkaroon muna ng reporma para sa mga kabataan.
Napuna ni Marcos na hindi epektibo ang kasalukuyang istruktura ng SK at nagagamit na rin ng mga pulitiko ang mga kabataan.
Kamakailan ay inapruÂbahan ng National Youth Commission ang Resolution No. 18, series of 2013 na nagsasaad ng kanilang suporta sa pagpapaliban ng SK elections.
Nauna ng sinabi ng Commission on Elections na ipagpapatuloy pa rin nila ang paghahanda sa SK elections hangga’t walang naipapasang batas ang Kongreso upang ipagpaÂliban ito.
Kahapon ay sinimulan na ng Comelec steering committee ang kanilang weekly briefing hinggil sa barangay elections sa Oktubre 28.
Kabilang sa mga naÂpag-usapan ay ang mil yong pondo ng SK na napupunta lamang sa sports activities, sayawan at iba pa kung saan huÂmaÂhantong sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.