^

Bansa

Ulat Panahon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Palawan, Kabikulan, Kabisayaan at Min­danao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.    Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa dulong Hilagang Luzon at ang mga baybaying-dagat dito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang timog sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Sisikat ang araw bandang alas-5:44 ng umaga at lulubog bandang alas-6:03 ng gabi. (PAGASA)

 

ANG METRO MANILA

ANG PALAWAN

HANGGANG

HILAGANG LUZON

KABIKULAN

KABISAYAAN

KATAMTAMAN

LUZON

MAHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with