MANILA, Philippines - Dalawang Pilipino na nakabase sa Estados Unidos kabilang ang isang miyembro ng New York Police Department (NYPD) ang inaresto habang pinaghahanap pa ang kanilang nakababatang kapatid sa Pilipinas dahil sa umano’y iligal na pagbebenta at pagpupuslit ng matataas na kalibre ng baril.
Sa report, nahaharap sa kasong kriminal dahil sa pagbebenta ng mga armas ang Pilipinong si Police officer Rex-Gene Maralit, 44, nakatalaga sa NYPD headquarters sa Manhattan at mga kapatid na sina Wilfredo, 48, isang Customs and Border Protection officer sa Los Angeles International Airport at Arial, 43, na patuloy na nakalalaya at ipinalalagay na nasa Pilipinas.
Nabatid na inaresto noong Huwebes sina Rex-Gene at Wilfredo at iniharap sa korte noong Biyernes dahil sa umano’y pakikipagsabwatan kay Arial sa pagkuha ng mga potential buyers ng mga baril sa Pilipinas.
Isa umano sa mga nakalap na ebidensya ng US authorities laban sa magkakapatid ang mga larawan na kanilang ini-email sa isa’t-isa kung saan naka-pose pa hawak ang mga assault weapons.
Ayon sa Federal prosecutors sa Brooklyn, sina Rex-Gene at Wilfredo ay umaasa kay Arial sa paghahaÂnap ng mga gun dealers at parts suppliers sa PiliÂpinas at saka ini-email na lamang sa dalawa ang mga orders.
Sinasabi sa report na nagagamit umano nina Rex-Gene at Wilfredo ang kanilang posisyon bilang law enforcers upang makakuha ng mga armas.
Naipapadala at nakalulusot umano ang mga armas sa Pilipinas at inilalagay lamang sa package ang label na mababasang “industrial sliding door tracks.â€