MANILA, Philippines - Si Justice Secretary Leila de Lima ang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI).
Mismong ang kalihim ang nag-anunsiyo nito matapos ang tuluyang pagtanggi ni dating Director Nonnatus Rojas na bumalik sa kaniyang posisyon kasunod ng kaniyang isinumiteng “irrevocable resignation.â€
Ayon kay de Lima, hihintayin na lamang ang magiÂging pahayag ni Pangulong Aquino kung tinanggap ba niya o hindi ang pagbibitiw ni Rojas.
Inihayag ni de Lima na posibleng kanyang italaga bilang NBI director ay nagmula sa hanay ng NBI, DoJ subalit hindi undersecretary o nagmula sa attached agency ng kagawaran.
Giit ni de Lima, hindi nakayanan ni Rojas ang maÂtinding pressure sa trabaho bukod pa sa problema sa kaniyang kalusugan.