MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Simbahang Katoliko na sana ay huwag kalimutan sa eleksiyon ang mga katiwalian na ginawa ng ilang pulitiko ukol sa paggamit ng pork barrel na ginamit sa pansariling interes.
Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dapat magsilbing leksyon at magÂbukas sa isipan ng mga Filipino ang katiwalian na kinasangkutan ng ilang mambabatas hindi lamang sa Senado at Kongreso kundi maging sa executive branch at Local GoÂvernment Units kung saan una nang ibinunyag na ang Makati City ang siya umanong may pinakamalaking pork barrel na ibinibigay sa vice mayor at mga konsehal nito mula pa nung alkalde pa si Vice President Jejomar Binay.
Sa kasalukuyan, bagamat hindi ito mambabatas ay “nag-lobby†umano ng P500M “pork barrel†subalit P200M lamang kada taon ang inaprubahan ng Malacañang.
Ayon pa kay Archbishop Cruz, nakalulungkot na tayo rin umano ang siyang nagluklok sa mga tiwaling pulitiko kaya naman tayo rin ang dumaranas ng kahirapan.
Aniya, sa pagsuko ni pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles ay magandang tutukan ng taumbayan ang imbestigasyon, kilalanin ang kanyang mga naging koneksyon sa gobyerno para malayang magamit ang bilyun-bilyong pondo at pagkaraan ay itatak na sa isipan para mapanagot.
“Hindi na sila makagagawa ng katiwalian kung wala na sila sa pwesto. Sino ba itong mga pulitiko na nagpayaman lamang, sino ba itong ginamit ang pondo ng bayan para makapanatili sa pwesto ng ilang dekada na, kapag napatunayan ang mga akusasyon laban sa kanila, tandaan natin at huwag nang iluklok sa 2016,†pahayag pa ni Cruz.
Aminado si Cruz na madaling makalimot ang mga Pinoy kaya naman patuloy na naluluklok ang mga tiwaÂling opisyal subalit sa pagkaÂkataon umanong ito ay hindi dapat maging malilimutin ang taumbayan, ang pork barrel.