Napoles napraning takot mag-isa
MANILA, Philippines - Takot mag-isa, kaya napraning at dumanas ng ‘anxiety attack’ sanhi ng ‘claustrophobic disorder’ na nagpataas ng kaniyang blood pressure ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim Napoles, ang utak sa P10 bilyong pork barrel scam sa loob ng kanyang ‘detention facility’ sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna kahapon.
Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, tumaas ang blood pressure ni Napoles na umabot sa 180/150 at bumaba rin ang ‘sugar’ nito sa 40-mg dakong alas-3:00 ng madaling araw kahapon.
Sinabi ni Sindac, ang ‘claustrophobic disorder’ ay sanhi ng matinding takot na mapag-isa, takot na walang madaanan para makatakas sa ‘isolated area’ at takot na mabilad sa kahihiyan sa publiko.
Agad namang pinuntahan ng mga nakatalagang nurse sa Fort Sto. Domingo si Napoles at pinakalma sa kanyang kondisyon saka kinuhanan ng blood presure.
Matapos ang isang oras ay muling bumalik sa normal ang daloy ng dugo sa katawan ni Napoles na 120/90 at ang sugar level nito ay 112-mg.
Dakong alas-6:00 ng umaga ng pakainin si NaÂpoles ng ham, itlog at kanin para sa kaniyang almusal.
Inihayag pa ni Sindac na lima ang naging bisita ni Napoles kabilang ang kaniyang mga anak na sina James, Christian at Christine Napoles at mga abogadong sina Bettina Zamora at Deanna Singian.
Sa kaniyang paÂnanghalian, ay hindi muna pinakain ng pork si Napoles sa halip ay sinigang na boneless na bangus, kanin at saging.
Umaasa si Sindac na hindi gagamitin ng kampo ni Napoles ang pabago bagong lagay ng kanyang kalusugan para igiit ang hospital arrest na nauna ng sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hindi kailangan.
Idinagdag pa ni Sindac mayroon naman ‘in-house doctor’ sa Infirmary sa Fort Sto. Domingo na matatawag kaagad para imonitor at tingnan ang kalusugan ni Napoles kapag nagkaroon ng emergency.
- Latest