Korte ang magpapasya kay Napoles - UNA
MANILA, Philippines - Binatikos ni United Nationalist Alliance Secretary General Toby Tiangco ang naging pahayag kamakalawa ni DILG Sec. Mar Roxas na maaaring gawing state witness ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles na nasasangkot sa P10-B pork barrel scam.
Idiniin ni Tiangco na ang korte ang dapat magpasya kung dapat maging state witness si Napoles at hindi ang DILG o ibang ahensiya.
Sinabi pa ni Tiangco na ang pananaw na posibleng gawing state witness si Napoles ay isang paraan para usigin ang mga kaaway sa pulitika ng administrasyon.
“Ang nakakapagtaka lang, hindi pa na-file yung plunder, Roxas is already talking about state witness,†sabi ni Tiangco. “Korte lang ang maaaring magsabi kung pwede o hindi.â€
Sinabi pa ni Tiangco na batid ng lahat na umabot na sa Malakanyang ang baho mula sa PDAF at ang gawing state witness si Napoles ay maipapalagay na isang istratehiya para ilayo ang isyu mula sa mga kaalyado ng Pangulo.
- Latest