^

Bansa

30 websites ng gobyerno na-hack

Rudy Andal at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlumpong government websites ang na-hack ng mga anti-pork  hacktivist na tinawag na Pinoy Vendetta.

Tutol ang mga hacktivist sa sinasabi ni Pangulong Benigno Aquino III na bagong mekanismo na ipapalit sa binuwag na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa tatlumpong hacked websites – tatlo lamang ang hawak ng iGovPhil o ang bagong integrated government Philippines project ng dept of science and technology.

Aniya, ang problema ay hindi pa fully ope­rational ang iGovPhil habang hindi pa raw naililipat sa bagong web hosting service ang iba pang website.

Wika pa ni Sec. La­cierda, isinasapinal pa kasi ang implementing rules and regulations o IRR ng Administrative Order No. 39 ni Pa­ngulong Aquino na nag-aatas sa DOST para hawakan ang lahat ng government websites.

Samantala, siniguro din ni PCOO Sec. Sonny Coloma na iimbestigahan ng Palasyo kung sino ang nasa likod ng hacking na ito ng mga government websites.

Wika pa ni Sec. Coloma, puwede namang ilabas ang hinaing nang hindi sinisira ang websites ng gobyerno.

Ang mga hackers ay nagpakilalang Private X at ang ibig sabihin sa kanila ng PDAF ay “Pilipinas Di Aasenso Forever???.”

 

ADMINISTRATIVE ORDER NO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS DI AASENSO FOREVER

PINOY VENDETTA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PRIVATE X

SONNY COLOMA

WIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with