^

Bansa

P5M reward vs Napoles

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang gobyerno na maglaan na ng P5 milyong pabuya para sa sinumang makakapagturo sa kinaroroo­nan ni Janet Napoles na sangkot sa multi-bilyong pork barrel scam.

Naniniwala si Caye­tano na mas mabilis na mahuhuli si Napoles kung maglalaan ng malaking pabuya ang gobyerno para sa ikadarakip nito.

Hindi aniya dapat pang­hinayangan ang ibibigay na reward para sa ikadarakip ni Napoles kung ang kapalit naman nito ay ang malaman ang katotohanan.

Si Napoles ang sinasabing nagtayo ng mga pekeng NGOs na naging daan para mamanipula ang pork barrel funds o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang senador at congressmen.

Buhat ng magpalabas ng warrant of arrest laban kay Napoles ay bigla na lamang itong nawala at may mga nagsasabing posibleng nakalabas na ng bansa.

Hindi rin inaalis ng National Bureau of Investigation ang posibilidad na nagpabago na ito ng mukha para matakasan ang batas.

Napaulat na nagawa pa ni Napoles na makabili ng nasa P184,845 halaga ng Philippine Airlines tickets sa pamamagitan ng kanyang credit card matapos magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Samantala nakatakdang imbestigahan ng Senado sa Agost 29 ang isyu ng pork barrel scam kahit pa may mga senador na isinasangkot sa isyu.

 

AGOST

BUHAT

JANET NAPOLES

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE AIRLINES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SI NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with