MANILA, Philippines - Sa gitna ng malawaÂkang pagbaha dulot ng bagyong Maring, nanawagan kahapon si Sen.Bam Aquino sa Department of Trade and Industry (DTI) at local government units na mahigpit na ipatupad ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Ipinaalala ni Aquino na awtomatikong ipinaÂpatupad ang price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity.
Sa ngayon aniya ay may kakulangan na sa supply bunsod na rin ng pagbaha at bagaman at kailangan ding kumita ng mga tindahan hindi naman dapat samantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon.
“Nakikiusap po tayo sa mga tindahan at vendors na huwag naman maging mapanamantala ngayong panahon ng kalamidad na lubhang nakaapekto sa karamihan,†dagdag ni Sen. Aquino, chairman ng committee on Trade and Commerce.
Pinayuhan din ng senador ang publiko na magbantay laban sa mga tiwaling negosyante na magsasamantala sa sitwasyon at magtataas ng presyo ng paninda.
Aniya, maaaring iparaÂting ng publiko ang reklamo na may kaugnayan sa presyo ng bilihin sa DTI Consumer Protection Hotline na (02) 751-3330.
Nanawagan rin si Sen. Aquino sa DPWH at sa MMDA na tapusin agad ang pagsasaayos ng mga nasirang kalsada at pampublikong gusali upang mapabilis ang daloy ng mga produkto at iba pang bilihin sa mga lugar na nasalanta ni MaÂring.