71 na patay sa banggaan ng barko

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang narekober na bangkay sa 71, sa lumubog na M/V St. Thomas Aquinas sa Talisay, Cebu.

Patuloy pa ang pagsisid ng mga technical divers ng Philippine Coast at Philippine Navy kasama ang mga volunteer di­vers, para matagpuan ang nawawalang 49.

Hindi na nadagdagan pa ang 750 bilang na survivors.

Pinakahuling naiahon ang anim na bangkay na kinabibilangan ng isang batang lalaki, batang babae, matandang babae at 3 iba pa, bandang alas 6:00 hanggang alas 7:45 ng umaga kahapon.

Show comments