PNoy nagka-allergy

MANILA, Philippines - Hindi nakapunta sa inagurasyon ng tinaguriang ‘longest bridge’ sa bansa sa Cervantes, Ilocos Sur si Pangulong Aquino dahil sa ‘allergy attack’ nito.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, allergic umano sa bulaklak si Pangulong Aquino at ito ang naging dahilan ng allergy attack nito kaya hindi nakapunta sa Ilocos Sur para sa inagurasyon ng Aluling bridge na noong 1978 pa sinimulang itinayo at natapos lamang sa panahon ni Pangulong Aquino nitong March 25.

Hindi naman nabanggit ni Valte kung paano naatake ng allergy si Pangulo na naging dahilan upang sumama ang pakiramdam nito.

Ang kapatid ng Pangulo na si Viel Aquino-Dee ang naging kinatawan ni PNoy sa inagurasyon ng tulay na nag-uugnay sa Ilocos Region at Cordillera Autonomous Region.

 

Show comments