Ulat panahon
MANILA, Philippines - Ang rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region, Zambales, Batanes at ang mga isla ng Babuyan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog ang iiral sa Luzon at Kanlurang Kabisayaan at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-silangan hanggang timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Ang araw ay sisikat 5:42 ng umaga at lulubog dakong 6:19 ng gabi.
- Latest