Homicide isinampa vs PCG men

MANILA, Philippines - Pormal nang naisampa ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kaso laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sangkot sa madugong insidente sa Balintang Channel nuong Mayo.

Kinumpirma ni NBI Director Nonnatus Rojas na naihain na nila kahapon ang kaso sa National Prose­cution Service. 

Una nang inirekomenda ng NBI na masampahan ng kasong homicide ang walong miyembro ng Coast Guard na kinabibilangan nina Commanding Officer Arnold Dela Cruz, SN1 Edrando Quiapo Aguila, SN1 Mhelvin Bendo, SN2 Nicky Reynold Aurello, SN1 Andy Gibb Ronario Golfo, SN1 Sunny Galang Masangcay, SN1 Henry Baco Solomon at PO2 Richard Fernandez Corpuz.

Kasong obstruction of justice naman ang isinampa laban kina dela Cruz, Bendo, SN1 Marvin Ramirez at Lt. Jr. Grade Martin Bernabe. 

Matatandaan na isang mangingisdang Taiwanese ang nasawi nang pagbabarilin ng mga tauhan ng Coast Guard ang kanilang bangkang pangisda nuong May 9, 2013.

Show comments