MANILA, Philippines - Gusto nang ipawalang bisa ang Revised Penal Code of the Philippines (RPC) kasabay naman ng pagpapasa ng bagong panukala para sa bagong Philippine Code of Crimes.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 2300 o The Philippine Code of Crimes na inihain ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. isinusulong na magkaroon ang Pilipinas ng isang modernong criminal code na mas akma sa kasalukuyang panahon.
Sa ilalim ng bagong criminal code, gagawing transnational ang mga krimen sa halip na territorial na sasakop na rin maging sa mga Pinoy sa ibayong dagat na lumabag sa batas ng Pilipinas.
Bukod dito mawawala na rin ang frustrated stage sa mga kaso at ang matitira lamang ay attempted at consummated crimes. Aaalisin na rin ang mga accomplices sa krimen at ang kakasuhan ay mga principal at accessories.
Mula naman sa dating 15 anyos na minimum age ng criminal responsibility, ay ibinaba ito sa 13 anyos kayat nangangahulugan ito na maaari ng kasuhan ang isang trese anyos kung nakagawa ito ng krimen.
Sa ilalim rin nito ay ibabatay na sa source of income o kakayahan ng isang akusado ang ipapataw na multa.
Isinulong rin ni Tupas ang House Bill No. 2032 o The Criminal Investigation Act of 2013, kung saan magtutulong ang prosecutor at pulis sa case build up at kung may prima facie evidence ay maaari na agad ihain sa korte ang kaso ng hindi na hinihingan ng kontra salaysay ang resÂpondent.
Ang korte naman ang magsasagawa ng preliminary hearing sa loob ng 15 araw at kung makikitaan ng merito ay saka magsasagawa ng full blown trial.