NORTH COTAÂBATO, Philippines -- Isinailalim na sa state of calaÂmity ang bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos manalasa ang tubig-baha dulot ng patuloy na ulan nitong nakalipas na mga araw.
Idineklara ang state of calamity sa nabanggit na bayan batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Ayon kay Vice Mayor Myra Dulay Bade, anim na barangay ang lubog sa tubig-baha kaya apekÂtado ang 300 ektaryang palayan dahil sa pag-apaw ng ilog ng Rio Grande de Mindanao.
Kabilang sa mga binaha ay ang mga Barangay Cuyapon, Kilagasan, Bangilan, Malamote, Lower at an gang Barangay Upper Paatan.
Aabot sa 500 magsasaka ang naapekÂtuhan ng pagbaha at nakatakdang bigyan ng binhi ng municipal agriculture office.
Umaabot naman sa 30% ng disaster emergency funding gagamitin upang matulungan ang mga apektadong pamilya biktima.
Magugunita na una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Tulunan matapos lumubog sa tubig-baha noong Hulyo 25, 2013 kung saan marami ang nagsilikas.
Tinatayang aabot sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala kung saan naapektuhan ang 500 magsasaka mula sa 20 barangay.