MANILA, Philippines - Magiging higit na maÂkabuluhan ang pag-unlad ng isang bansa kung kasabay ang pangangalaga ng kalikasan na magbibigay ng halaga sa mga susunod na henerasyon.
Ito ang naging pahayag ni dating Senator Jamby Madrigal sa usaping pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan dahil isinulong nito noon ang mga batas na nangangalaga sa kalikasan, kabilang na ang Tubbataha Reef .
Ayon sa dating senadora, mas malaki ang pinsala sa lipunan kung nakakalbo na ang ating kabundukan dahil sa walang habas na pagputol ng mga puno, o kaya’y nasisisira na ang mga coral reef na kung saan nangingitlog at namumuhay ang mga isda.
“Ang mga puno ang natural na proteksyon natin laban sa matinding pagbaha o pagtipak ng lupa sa mga kabundukan. Mauunawaan natin ang malaking papel ng ating mga gubat, puno, ilog o dagat kapag naranasan natin ang nakakikilabot na kalamidad, tulad ng naranasan natin noong panahon ng Ondoy at Habagat at mapapaisip tayo kung naniningil na ang kalikasan†ani Madrigal.
Dapat rin anya na may natutunan na aral ang taumbayan sa mga nagdaang natural na kalamidad dahil sa hindi matitigil ang pag-ulan o pagbagyo, ngunit mababawasan ang sakunang dulot.
Kabilang sa mga adhikain ni Madrigal ang pagsulong ng batas na maitigil ang lahat ng logging opeÂrations sa bansa at ang pagbibigay proteksyon sa nalalabing kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na malapit nang maubos.