^

Bansa

3-M pamilyang Pinoy walang maayos na bahay

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa tatlong milyong Pamilyang Pilipino ang walang maayos at ligtas na tirahan.

Sa privilege speech ni Akbayan Rep. Ibarra Gutierrez, sinabi nito na ganito kalaki ang bilang ng mga Pinoy na walang disenteng tirahan kung pagbabasehan ang 3.756 milyon na housing backlog ng housing agencies ng gobyerno.

Kung ang bawat isa umano sa pamilyang ito ay may limang miyembro na nangangahulugan na mahigit sa 18 milyon mga Pinoy ang walang maayos na tirahan.

Paliwanag pa ng mam­babatas, ang housing backlog ay nadarag­dagan ng 195,000 kada taon habang patuloy ang paglaki ng populasyon ng mga Pinoy.

Ang sitwasyon ito umano ay mahabang panahon ng umiiral sa bansa sa kabila ng mala­king pondo na inilalaan ng gobyerno sa housing sector.

AKBAYAN REP

HOUSING

IBARRA GUTIERREZ

PALIWANAG

PAMILYANG PILIPINO

PINOY

SHY

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with