Pagbibitiw ni Lim sa BOC tinanggap na ni PNoy

MANILA, Philippines - Tinanggap na ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni Deputy Commissioner Danilo Lim sa Bureau of Customs (BOC) kung saan bibigyan niya ito ng bagong posisyon.

“I will be giving him a new assignment. We’re still in the process of discussing where exactly the new assignment will be,” ani PNoy sa media sa kaniyang pagdalo sa Mindanao Business Conference sa Davao City.

Anim na beses nang nagsumite ng resignation si Lim kay Executive Secretary Paquito Ochoa para mailipat ng posisyon.

Samantala, mananatili sa pwesto si Deputy Comm. Juan Lorenzo Tañada.

Tumanggi namang magkomento ang Pangulo sa tanong kung ano ang gagawin sa mga opisyal ng Customs na hindi nagsumite ng courtesy resignations.

 

Show comments