MANILA, Philippines - Napanatili ng bagyong Kiko ang lakas nito habang unti-unti nang palabas ng Philippine area of responsibility. Bagamat papalayo na ang bagyo at walang direktang epekto sa Pilipinas ay makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang Luzon lalo na ang Metro Manila dahil sa epekto ng hanging habagat o southwest monsoon. Ang Metro Manila, ang rehiyon ng Ilocos, Car, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, Mimaropa. Calabarzon, Kanlurang Kabisayaan at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Ang araw ay sisikat 5:40 ng umaga at lulubog dakong 6:23 ng gabi.