Prangkisa ng mga bus pinababasura
MANILA, Philippines - Nais ng isang kongresista na i-revoke ng gobyerno ang prangkisa ng lahat ng mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila.
Sa inihaing House Resolution 165 ni Bulacan Rep. Joselito Mendoza, sinabi nito na ito ang tanging solusyon upang mawalis ang mga kolorum na bus na isa sa pangunahing nagpapasikip ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Paliwanag ni Mendoza, kapag napawalang saysay na ang prangkisa ng lahat ng bus ay saka dapat magbigay ng bagong prangkisa ang LTFRB sa mga mag-a-apply na bus companies para sa lehitimong operasyon ng kanilang units.
Sa ganitong paraan ay maisasaayos na rin umano ng gobyerno ang data base ng mga bus dahil sa kasalukuyan ay magkakaiba ang bilang ng iba’t ibang tanggapan sa colorum na mga bus.
Sa data ng MMDA, 46% ng 10,000 bus na bumibiyahe sa Edsa kada araw ay colorum habang sa talaan ng LTFRB ay 3,800 ang colorum subalit 5,000 naman ang bilang sa isinagawang pag-aaral ng Japan International CooperationAgency (JICA).
- Latest