MANILA, Philippines - Posibleng tumaas ang singil sa mga pasÂyente sa 26 na ospital at medical centers na pinopondohan ng gobyerno sa sandaling matuloy ang balak na gawin ang mga itong korÂporasyon na magkakaroon ng fiscal autonomy upang magpatupad ng mga revenue generating practices.
Sa Resolution No. 8 ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, dapat silipin ng Senado ang nasabing balak ng gobyerno na i-corporatize ang mga public hospitals dahil tiyak na maapektuhan dito ang mga mahihirap na mamamayan.
Nakasaad anya sa Konstitusyon na katungkulan ng gobyerno na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan na maging malusog at magkaroon ng “health consciousnessâ€.
Kung itutuloy ito ay tiyak anya na tataas ang singil sa mga medical services.
Ipinunto pa ni Recto na ang 26 na ospital at medical centers ang puntahan ngayon ng mga mahihirap at tiyak na maaapektuhan sa sandaling ipatupad na ang “income generating practices†ng mga isasapribadong ospital.