^

Bansa

Singil sa 26 public hospitals tataas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng tumaas ang singil sa mga pas­yente sa 26 na ospital at medical centers na pinopondohan ng gobyerno sa sandaling matuloy ang balak na gawin ang mga itong kor­porasyon na magkakaroon ng fiscal autonomy upang magpatupad ng mga revenue generating practices.

Sa Resolution No. 8 ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, dapat silipin ng Senado ang nasabing balak ng gobyerno na i-corporatize ang mga public hospitals dahil tiyak na maapektuhan dito ang mga mahihirap na mamamayan.

Nakasaad anya sa Konstitusyon na katungkulan ng gobyerno na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan na maging malusog at magkaroon ng “health consciousness”.

Kung itutuloy ito ay tiyak anya na tataas ang singil sa mga medical services.

Ipinunto pa ni Recto na ang 26 na ospital at medical centers ang puntahan ngayon ng mga mahihirap at tiyak na maaapektuhan sa sandaling ipatupad na ang “income generating practices” ng mga isasapribadong ospital.

GOBYERNO

IPINUNTO

KONSTITUSYON

NAKASAAD

POSIBLENG

SA RESOLUTION NO

SENADO

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with