MANILA, Philippines - Inaasahang lalong dadagsain ng mga turista ang Pilipinas matapos na palawigin ng pamahalaan ang visa-free privilege ng kanilang pananatili na aabutin na ng hanggang isang buwan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), simula sa Agosto 1, 2013 ay magiging 30-araw na ang ibibigay para sa mga dayuhan o turista mula sa 151 bansa na may “visa-free privilege stay†sa Pilipinas mula sa dating 21-araw na pananatili.
Ang nasabing inisyatiba ay produkto ng pakikipag-koordinasyon ng inter-agency mula sa DFA, Department of Tourism (DOT), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay naglalayong mabigyan ng maayos at sapat na panahon sa pagpasok at pananatili ng mga foreign nationals na nagpaplanong bumisita at mamasyal sa mga magagandang tanawin at mag-explore sa Pilipinas bilang investment destination.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Jaime Victor Leda ng Office of Consular Affairs, ang aksyon ng gobyerno ay lalong manghihimok sa mga turista at investors na bumisita at manatili sa Pilipinas at hindi na sila magre-report sa BI para lamang hilingin na mapalawig ang kanilang pananatili ng hanggang isang buwan.
Sinabi ni Leda, ang mga dayuhang kuwalipikado mula sa 151 bansa na may visa-free privilege ay kailangan lamang na ipakita ang kanilang national passport na balido ng may anim na buwan at ticket.
Ang listahan ng mga bansa na may visa-free privilege ay matatagpuan sa DFA website sa www.dfa.gov.ph.
Ang Brazil at Israel ay maÂnanatili naman ang ibinibigay na 59-araw na visa-free entry alinsunod na rin sa kanilang umiiral na bilateral agreements sa pagitan ng Pilipinas.