^

Bansa

Ulat panahon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang MIMAROPA at Kanlurang Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Palawan, Kabisa­yaan at Mindanao at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog-silangan ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon. Ang mga bayba­ying dagat sa mga lugar na ito ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:39 ng umaga at lulubog ng alas-6:26 ng gabi.

ANG METRO MANILA

HANGGANG

KABISA

KANLURANG KABISAYAAN

KATAMTAMAN

LUZON

MAHINA

MINDANAO

PALAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with