^

Bansa

OWWA, POEA bubuwagin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Kamara ang pagbuwag sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa House Bill 191 na inihain ni Pangasinan Rep. Rosemarie Arenas, ito ay upang bigyang daan ang pagtatatag ng Department of Overseas Workers (DOW) na siya namang hahawak sa deployment o repatriation ng mga overseas Filipino workers.

Paliwanag ni Arenas, sa kabila ng ma­laking kontribusyon ng mga OFW sa bansa ay wala kahit isang ahensiya ng gobyerno na tumutugon sa kanilang mga pa­ngangailangan.

Ito ay base umano sa ulat ng Commission on Filipinos Overseas na mayroong 8,579,378 Filipino overseas at mahigit sa kalahati nito na 4,522,4348 ay pawang mga temporary workers.

Bukod dito, ang mga OFW din umano ang nagpapataas ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na kung may krisis pang-ekonomiya sa bansa.

Nakasaad sa panukala na ililipat sa DOW ang kapangyarihan at functions ng OWWA, POEA at iba pang ka­ukulang ahensiya sa ilalim ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs.

Idinagdag pa ni Arenas na panahon na para i-realign ng pamahalaan ang resources nito para matutukan ang mga OFW at dapat magkaroon ng isang ahensiya na siyang titingin sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa at kanilang pamilya.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF OVERSEAS WORKERS

FILIPINOS OVERSEAS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGASINAN REP

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

ROSEMARIE ARENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with