^

Bansa

2 police nurses nagpaanak sa bus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa pagsabak laban sa kriminal, maasahan rin ang PNP sa pagsagip ng buhay matapos na paanakin ng dalawang police nurses ang isang ina na inabot ng emergency ng manganak habang sakay ng bus sa Tarlac nitong Biyernes.

Kinilala ni Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP Public Information Office, ang ginang na nagsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki na si Mary Rose Palisoc, ng Brgy. Cayanga, Bugallon, Pangasinan.

Ayon kay Sindac, dakong alas-11:55 ng madaling araw habang lulan ng Five Star bus No.95408 galing Maynila patungong Bolinao, Pangasinan ang ginang na nasa kabuwanan ng biglang humilab ang tiyan nito.

Nabatid na pumutok na ang panubigan ng ginang kaya agad itong sinaklolohan nina P/Inspectors Mavidette Ongjunco at Arnel Cera na kapwa ng PNP Nurses na sumasailalim sa 5 buwang Field Training Program sa Camiling Municipal Police Station na nagkataon ring pasahero ng naturang bus.

Ang dalawang police nurses ay sumakay sa Tarlac City patungong Camiling matapos na dumalo sa blood letting operation.

“The PNP nurses improvised with clean towels and assisted the patient in childbirth. The baby boy was delivered while the bus was rushing at high-speed to the nearest hospital,”  ani Sindac.

Itinurnover na ng dalawang PNP nurse sa mga doktor ng Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Brgy. Malacampa, Camiling ang ginang at ang bagong silang nitong sanggol.

vuukle comment

ARNEL CERA

BRGY

CAMILING

CAMILING MUNICIPAL POLICE STATION

FIELD TRAINING PROGRAM

FIVE STAR

GILBERTO TEODORO MEMORIAL HOSPITAL

INSPECTORS MAVIDETTE ONGJUNCO

MARY ROSE PALISOC

PANGASINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with