MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senate President Franklin Drilon na aalukin nila ng limang mahahalagang koÂmite ang minorya na pinamumunuan ngayon ni SeÂnator Juan Ponce Enrile.
Ang limang komite ay ang Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources DeveÂlopment, Economic Affairs, Agrarian Reform, Social Justice, Welfare, at Rural Development.
Sinabi ni Drilon na inatasan na niya si Majority Leader Alan Peter Cayetano na iparating sa minoÂrity bloc ang alok para sa limang committee chairmanship.
Idinagdag ni Drilon na noong nakaraang 15th Congress ang mga nasabing limang komite ay pinamumunuan ng mga senador na kabilang sa majority bloc.
Ayon pa kay Drilon, ipapaubaya na niya sa mi norya na may anim na miyembro kung papaano ipa maÂmahagi ang limang komite at kung tatanggapin nila ito o hindi.
Bukod kay Enrile ang mga miyembro ng minorya sa Senado ay sina Senators Gringo Honasan, Jose “Jinggoy†Estrada, Vicente Sotto III, Nancy Binay, at JV Ejercito.